e-Card Para sa mga OFW Inilunsad ng OWWA

0

Maaaring magamit ang e-card para sa mga serbisyo ng OWWA tulad ng mga welfare program, aplikasyon sa mga scholarship, mga training program, at iba pang mga benepisyo.

Para makapag-aplay para sa mga programang gobyerno, kailangang lang ipakita ng mga OFW ang kanilang card o digital na kopya ng card, na may QR code na madaling ma-scan upang ma-verify.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, ang card ay magsisilbing ID card at membership card na rin. Maaari itong gamitin sa pakikipagugnayan sa mga ahensya ng gobyerno na namamahala sa mga manggagawa sa ibang bansa. Tatanggapin na din and card bilang ID sa mga iba’t-ibang opisina ng gobyerno tulad ng DFA (Department of Foreign Affairs), POEA (Philippine Overseas Employment Administration), OWWA, Bureau of Immigration, at Philippine Overseas Labor Offices.

Ang mga OFW na aktibong miyembro ng OWWA at nasa ilalim ng programa ng Balik Manggagawa na may wastong mga certificate of employment sa ibang bansa (OECs) ay maaaring mag-aplay para sa e-card. Ang Balik Manggagawa program ay sumasakop sa mga OFW na madalas na bumalik sa bansa para sa mga maikling bakasyon. Maaaring magawa ang online sa pamamagitan ng pagbisita sa website ng OWWA.

Ang e-card ay magagamit nang libre at maaaring ma-claim kapag bumalik sa Pilipinas mula sa anumang regional office ng OWWA sa buong bansa. Maaaring din itong i-claim ng isang miyembro ng pamilya, magdala lamang ng ‘letter of authorization’ at kopya ng ID page ng passport ng OFW.
Tinatayang 250,000 manggagawang Balik Manggagawa ang inaasahang makikinabang mula sa unang rollout ng e-card.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang e-card ay isang pag-upgrade mula sa dating ibinigay na OFW ID.
“This will serve as their OEC. You cannot be deployed without that certificate. Now, you have this,” sabi ni Bello.
“In a way, we rebranded the ID because we lacked data then. This one is a collaboration between DOLE (Department of Labor and Employment), OWWA, POEA, and DFA, including Bureau of Immigration. We were able to complete the data,” idinagdag niya.
Nagbukas ng mga helpdesk sa mga opisina ng OWWA para sa mga tanong tungkol sa e-card.

source: OWWA and Rappler

Share.

About Author

Leave A Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.