MANILA, Philippines – The Philippine Overseas Employment Administration (POEA) is preparing to send 400 Filipino nurses to Germany.
According to the POEA, they are receiving applications for nurses under the German Federal Republic’s Triple Win Project. The search for applicants began in July 2018. Because it is under the agreement between two governments, applicants do not have to pay, and this is confirmed by POEA Administrator Bernard Olalia in an interview.
The German employer will respond to visa fees and fare from nurses to Germany, and can also cover part of the cost of living in the first part of the transfer.
Qualifications include:
must be a Filipino citizen, male or female
permanent resident of the Philippines
graduated from Bachelor of Science in Nursing
there is a Philippine Nursing License with at least two years of more than two years experience (bedside) in hospitals, rehabilitation centers, etc.
Interested applicants are also required to learn German or want to undergo German language training in the Philippines to achieve Level B1 (employer’s pay).
They are also required to attend language classes in April and May 2019, or at B1 or B2 Level Proficiency Language in accordance with the Common European Framework of Reference for Languages.
Qualified applicants must first register at POEA’s online service (http://www.eservices.poea.gov.ph). Applicants must submit personal documents in a folder with a heading “German Federal Employment Agency RSF No. 180028” at Blas F. Ople Bldg. (former POEA Bldg.), Ortigas Avenue corner EDSA, Mandaluyong City
The deadline for submission of applications to POEA Central and regional offices is February 28, and interviews of employers are scheduled by the end of March.
MANILA, Philippines – Naghahanda ngayon ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na magpadala ng 400 Filipino nurses para sa Germany.
Ayon sa POEA, tumatanggap na sila ng mga application para sa mga nurse sa ilalim ng Triple Win Project ng German Federal Republic. Nagsimula ang paghahanap ng mga aplikante noong Hulyo 2018. Dahil ito ay nasa ilalim ng kasunduan sa pag-itan ng dalawang gobyerno, walang kailangan bayaran ang mga aplikante, at ito ay kinumpirma ni POEA Administrator Bernard Olalia sa isang panayam.
Ang German employer ang sasagot sa visa fees at pamasahe ng mga nurse papunta ng Germany, at maaari ding sagutin ang bahagi ng gastusin sa tirahan sa unang bahagi ng pag-lipat.
Kabilang sa mga kwalipikasyon ang:
dapat na mamamayang Pilipino, lalaki o babae
permanenteng residente ng Pilipinas
nagtapos ng Bachelor of Science sa Nursing
may Philippine Nursing License na may hindi bababa sa dalawang taon na may mahigit sa dalawang taong experience (bedside) sa mga ospital, rehabilitation center, atbp.
Kinakailangan din ang mga interesadong aplikante na matuto ng wikang German o gustong sumailalim sa pagsasanay sa wikang Aleman sa Pilipinas upang makamit ang Antas B1 (na babayaran ng employer).
Kinakailangan din silang dumalo sa klase ng wika sa Abril at Mayo 2019, o sa B1 o B2 Level Proficiency Language alinsunod sa Common European Framework of Reference for Languages.
Ang mga kwalipikadong aplikante ay dapat munang magparehistro sa online na serbisyo ng POEA (www.eservices.poea.gov.ph). Ang mga aplikante ay dapat personal na isumite ang mga kinakailangang dokumento sa isang folder na may heading na “German Federal Employment Agency RSF No. 180028” sa Blas F. Ople Bldg. (dating POEA Bldg.), Ortigas Avenue corner EDSA, Mandaluyong City.
Ang deadline para sa pagsusumite ng mga application sa POEA Central at sa mga regional offices ay sa Pebrero 28, at ang interview ng mga employer ay ini-schedule sa pagtatapos ng Marso.